Panukalang pag-block sa mga website na may pirated entertainment content, gumulong sa Kamara

Panukalang pag-block sa mga website na may pirated entertainment content, gumulong sa Kamara

February 17, 2023 @ 8:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aprubado na ng House Committee on Trade and Industry ang panukalang mag-aamyenda sa Intellectual Property Code ng bansa kung saan maaari nang i-block ang mga website na mayroong pirated entertainment content.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, inaprubahan ng panel ang House Bill No. 7028 na ang layunin ay protektahan ang entertainment at creative industry sa pamamagitan ng pagtiyak na ang kanilang mga gawa ay hindi mapipirata.

Ipinaliwanag ni Salceda na mahalagang maisabatas agad ang nasabing panukala kung saan hiningi nito ang suporta ng Senadp dahil 7.3 hanggang 15% ng ekonomiya ay nakadepende sa copyrighted material kaya naman kung lalaganap ang mga pirated content ay malaki ang mawawala sa bansa.

ā€œAs content has become more easily transmissible in the digital space, infringement has also become more prevalent in the online space. As such, a more dynamic and proactive manner to prevent such infringement is necessaryā€ pahayag ni Salceda kung saan sinabi nito na nitong pandemic ay nasa mahigit P1 bilyon ang nawala sa industriya dahil sa piracy.

Sa oras na maisabatas ang panukala ang Intellectual Property Office of the Philippines ay bibigyan ng kapangyarihan na i-shutdown ang website na nagpapalaganap ng copyrighted material.Ā Gail Mendoza