Panukalang pagbuo ng DNA data base system umusad na sa Kamara

Panukalang pagbuo ng DNA data base system umusad na sa Kamara

October 12, 2022 @ 9:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang Technical Working Group (TWG) ang binuo ng House Committee on Public Order and Safety para pag-isahin at pag-aralan ng mabuti ang dalawang panukala na nagsusulong ng pagtatatag ng Philippine DNA Database system.

Ang dalawang panukala ay ang House Bill 94 na inakda ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers at House Bill 540 na inihain naman ni Laguna Rep Dan Fernandez.

Layon ng dalawang panukala na magkaroon ng Philippine National Forensic Database.

Sa panukala ni Barbes ay isinusulong nito na kumuha ng DNA samples sa crime scenes, suspected persons, convicted persons, detainees, drug dependents, missing persons, voluntary persons, uniformed persons at  government employees  habang sa panukala ni Fernandez ay nais nyang isama din sa DNA data base ang mga batang kalye, mga nanlilinos at mga natagpuang patay.

Iginiit ng dalawnag mambabatas na ang pagkakaroon ng DNA data base ay makatutulong sa pagresolba ng mga kaso.

Sa ilalim ng panukala ni Barbers ang makukuhang DNA samples ay pangangasiwaan ng itataga a Philippine DNA Database Office  habang sa bersyon ni Fernandez ay ang PNP Crime Laboratory.

Sa kasalukuyang sistema ang DNA samples ay ginagamit sa prosekusyon subalit walang ahensya na nagangasiwa o nagtatago ng mga samples sa kabila ng kahalagahan nito sa  pagresolba sa kaso. Gail Mendoza