Panukalang pagbuo sa OFW department oks na sa Senado

Panukalang pagbuo sa OFW department oks na sa Senado

December 14, 2021 @ 4:42 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng senado ang huling pagbasa sa panukala na bumuo ng isang departamento na tutugon sa mga pangangailangan at problema ng overseas Filipino workers.

Sa botong 20-0-0, ipinasa ng upper chamber ang Senate Bill No. 2234, o ang panukalang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.

Sinabi ng isa sa proponents nito na si Senator Joel Villanueva, na magsisilbi umano itong go-to agency sa lahat ng hinaing ng OFWs, kabilang ang recruitment, red tape, regulation, emergency response, repatriation, at reintegration.

Subalit nauna nang punahin ng mga mambabatas ang malaking halaga na kakailanganin sa bagong ahensya ng gobyerno.

Itinuturing itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinasa rin sa final reading sa Kamara ang parehong panukala noong Marso 2020. RNT/SA