Panukalang pagkalos sa mandatory retirement age para sa pribadong sektor lang – solon

Panukalang pagkalos sa mandatory retirement age para sa pribadong sektor lang – solon

August 13, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Nilinaw ng author ng panukalang House bill na alisin ang mandatory retirement age na 65 na para lamang ito sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Ipinaliwanag ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na nilalayon ng House Bill 3220 na amyendahan ang Labor Code, na siyang governing law for private sector employees.

Idinagdag ni Ordanes na saklaw ang government workers ng related civil laws, wna hindi nakasaad sa panukala.

“They are bound to continue their job, provided under contract of service status. They are made consultants if their job is really needed,” pahayag ni Ordanes nitong Biyernes.

Nauna nang inihayag ni Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada previously na ang pagkalos sa mandatory retirement age sa pamahalaan ay makaaapekto sa fund life ng Government Service Insurance System, na nagbibigay ng  retirement benefits sa public sector workers.

Nilinaw din ni Ordanes na sa ilalim ng panukala, ang pagtatrabaho nang lampas sa edad 65 iay opsyonal para sa private sector employees sa kondisyong nakasusunod sa occupational qualifications ng kanyang employer.

Tiniyak din ng mambabatas na ang pagkalos sa mandatory retirement age para sa senior citizens workers ay hindi magiging hadlang sa promosyon ng mas nakababatang mga empleyado, at binanggit pa ang pag-aaral ng World Bank ukol dito.

“Countries that give jobs to seniors actually create more jobs for everyone else. This is because it stimulates the economy,” sabi ni Ordanes. “Senior citizens employment does not substitute, rather compliment youth employment.”

Suportado rin ni Economist Emmanuel Leyco ang pahayag ni Ordanes na ang pagbibigay ng trabaho sa senior citizens ay nangangahulugan ngeconomic growth, lalo na sa status quo kung saan kinakailangan ng mga tao ng hanapbuhay dahil sa mataas na presyo ng bilihin.

“More people who are working and have quality incomes will be beneficial to the economy overall,” sabi ni Leyco.

Sinabi rin ni Rene Gener, executive director ng People Management Association of the Philippines (PMAP), na pabor siya sa panukala at umapela pagpapabuti ng retirement at healthcare plans para sa mga matatanda.

Iginiit din ni Gener na kaunti lamang ang retirement at healthcare plans sa market para sa seniors, at mahal.

“It should be the employee who will dictate upon himself when to retire. It should not be mandated,” ani Gener.

Sinalungat din ng PMAP executive director na ang senior citizen workers ay “liabilities” sa kanilang younger counterparts.

“They have been tried and tested. They can provide guidance to the next generation. They can also see the risks and benefits of any project that is presented on their table,” dagdag ni Gener added. RNT/SA