Panukalang pagpapaliban sa BSKE tuluyang nakalusot sa Kamara

Panukalang pagpapaliban sa BSKE tuluyang nakalusot sa Kamara

September 20, 2022 @ 3:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapaliban ng halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan sa taong ito.

Sa bilang 264 na pumabor, anim na negative votes at tatlong nag-abstain na mga mambabatas ay lumusot sa Kamara ang House Bill 4673 na naglalayong gawin na ang eleksyong pambarangay at Sangguniang Kabataan sa December 4, 2023 mula sa orihinal na petsa na December 5, 2022.

Binigyang diin ng mga may-akda at sumuporta para maipasa ang panukalang ito na mas mahaharap at mapaghahandaan ng Commission on Elections ang halalang pang-lokal kung ito ay idaraos sa susunod na taon dahil katatapos pa lamang ng halalang pampanguluhan.

Gaya ng mga inaasahan ay nagpahayag ng agarang pagtutol sina Albay Rep. Edcel Lagman, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Sinabi ng mga tutol na mambabatas sa pagpapaliban ng halalang lokal na hindi maaaaring ikatuwiran na makatitipid ang gobyerno kung hindi muna magdaraos ng eleksyon sa barangay at upang magamit ang muna ang pondo sa ibang dapat pagkagastusan.

“Mr. Speaker, it is essential for the Filipino people to exercise their right to vote and elect a local official that will truly serve them. It subverts the cnstitutional provision on the regular conduct of local elections and the people’s right to elect a new set of local leaders,” ani Brosas.

Binigyang diin pa ni Brosas na simula pa aniya noong 2016 ay paulit – ulit ng binabago ang eleksyong pang-barangay at SK.

Giit naman ni Lagman na, “The practice of the Congress in postponing repeatedly the barangay and SK elections effectively extend the term and tenure of the village and youth officials as if the constitutional mandate for Congress to fix the term of office of barangay officials is continuing, which it is not. For the foregoing reasons, I vote no.”Meliza Maluntag