Panukalang pagpataw ng parusa sa nagkakalat ng fake news inihain sa Kamara

Panukalang pagpataw ng parusa sa nagkakalat ng fake news inihain sa Kamara

August 8, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dalawang mambabatas ang naghain ng panukala sa House of Representatives na nagsusulong na amyendahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at isama sa mapatawan ng parusa ang pagpapakalat ng fake news.

Sa inihain panukala nina Malabon Rep. Josephine Lacson-Noel at An Waray party-list Rep. Florencio Noel sa ilalim ng  House Bill 2971 iginiit nito na hindi dapat palampasin ng gobyerno ang misinformation at disinformation.

“Both misinformation and disinformation must not go unpunished, especially since it poisons the minds of our citizens by distorting the truth”ayon kay Noel.

Partikular na target sa panukala ay ang mga trolls.

“It cannot be stressed enough that nowadays, people have been repeatedly misinformed about what they consider to be data and facts through the advent of ‘fake news.’ Not even credible sources like media outlets and broadcast stations were spared of the false information spread out by paid trolls to distort truth and deliberately mislead people to think the opposite of what is actually happening,” giit naman ni Lacson-Noel.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng parusa ang gumagawa at nagkakalat ng fake news sa pamamagtan ng paggamit ng computer system.

Ang “fake news” sa ilalim ng panukala ay misinformation at disinformation ng mga stories, facts at news na ginagawang kattohanan dahil ang layunin nito ay balukturin ang katotohanan at i-mislead ang publiko. Gail Mendoza