Panukalang pagsasaayos sa PNP, aprub sa House panel

Panukalang pagsasaayos sa PNP, aprub sa House panel

February 28, 2023 @ 6:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng House Committee on Public Order and Safety nitong Martes ang panukalang naglalayon na isaayos ang Philippine National Police (PNP) at para sa karagdagang police offices nito.

Ang unnumbered bill ay pinamagatang “An Act Restructuring The Philippine National Police, Creating Additional Police Offices, and Appropriating Funds.”

Ito ang kapalit ng House Joint Resolution No. 11 at House Bill No. 5229, na nag-aamyenda sa ilang seksyon ng “Department of the Interior and Local Government Act of 1990″ at “PNP Reform and Reorganization Act of 1998.”

“We are anticipating na eventually ma-hand over sa PNP ‘yung sa insurgency. Doon sa coordination ng AFP at PNP, mapag-usapan ‘yung timeline ng shift ng  AFP to external defense,” sabi ni Patrol Party-list Representative Jorge Bustos.

“So with that anticipation, ‘yung PNP siguro dapat ready na rin tayo sa requirement,” dagdag niya.

Samantala, tinalakay din ng komite at ilang opisyal ng PNP ang mga pag-atake kamakailan sa elected government officials.

Hinikayat ni Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano ang PNP na tukuyin ang motibo sa likod ng pagpatay.

“Kailangan ma-establish natin that what happens in [Bukidnon], the motive in [Bukidnon] is different from the motive in Nueva Viscaya. But both are elected public officials,” pahayag niya.

“Pasalamat tayo unless, until it will be established na iba ‘yung motive sa Nueva Viscaya sa motive sa [Bukidnon],” dagdag niya.

Tinanong din niya sa PNP na kung ang mga suspek sa mga pag-atake ay bahagi ng isang private armed group o organized criminal gang.

Sinabi ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia: “We’re still establishing the personalities of these suspects and we’re going to update you.”

Nitong Lunes, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na isolated incidents ang pagp-atake kamakailan sa elected government officials at hindi dapat ikaalarma. RNT/SA