Panukalang pagsuspinde ng Pangulo sa ‘premium rate hike; oks sa PhilHealth

Panukalang pagsuspinde ng Pangulo sa ‘premium rate hike; oks sa PhilHealth

February 19, 2023 @ 12:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng suporta ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa panukalang amyendahan ang Republic Act No. (RA) 11223 o ang Universal Health Care Act partikular ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng bansa na suspendihin o kaya’y baguhin ang period sa pagpapatupad ng premium rates schedule ng PhilHealth contributors.

Ayon kay PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr., batid nila na dapat bigyan ng flexibity ang gobyerno sa pagsasaalang-alang sa economic realities na makaaapekto sa kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ibinigay na halimbawa ni Ledesma ang COVID-19 pandemic bilang isang ā€œunforeseen scenarioā€ na labis na nakaapekto sa pang araw-araw na buhay at kita ng maraming PhilHealth’s contributors.

Kaya naman sinabi ng PhilHealth acting President at CEO na sa katulad na nabanggit na pangyayari, kinakailangang magkaroon ng mekanismo o hakbang na maaring gawin upang maiayos ang implementasyon ng premium rates schedule kung saan isa na rito ang nilalaman ng House Bill No. (HB) 6672 kaya naman sang-ayon at sinusuportahan ito ng government health insurance institution.

Nabatid na sa ilalim ng HB 6772, iminumungkahi ang pagbabago sa Section 10 ng UHC Act, partikular ang pagsasaad na ā€œon the schedule of the increases in premium rates of PhilHealth contributors, the President of the Philippines may, upon the recommendation of the PhilHealth Board, suspend and adjust the period of implementation of the scheduled increase of premium increases during emergencies or natural calamities, or when public interest so requires.”

Nauna rito, binigyan-diin ng PhilHealth ang agarang pagtalima nila sa naunang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.’ noong nakaraang Enero na isantabi muna ang nakatakda sana ngayong taon na premium rate increase sa 4.5% at ang pagtataas sa income ceiling sa P90,000.

Sinabi ni Ledesma na ang naturang kautusan ni Pangulong Marcos ay pagpapatunay lamang sa pangangailangang na mabigyan ang Punong Ehekutibo ng kapangyarihan na pag-aralan munang mabuti at ipag-utos na huwag magpatupad ng premium rate increase para na rin sa kapakanan ng PhilHealth contributors.

“We in PhilHealth should follow the President’s lead, and learn to be empathetic and sensitive to the circumstances of our contributors so that we do not add to their economic burdens. Nandito tayo para tumulong, hindi para maging pabigat para sa ating mga myembro,” mariing pahayag pa ng PhilHealth chief. RNT