Panukalang puprotekta sa delivery riders vs fake booking, muling inihain sa Kamara

Panukalang puprotekta sa delivery riders vs fake booking, muling inihain sa Kamara

July 18, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling inihain ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang panukalang batas na magbibigay ng aniya’y sapat na proteksyon sa mga delivery riders na nagiging biktima ng pekeng bookings at pagbibigay din ng parusa sa mga kustomer na nagkakansela ng kumpirmadong order sa mga tinatawag na e-commerce platforms gaya ng Grab, Lazada, Shopee at iba pang katulad na negosyo.

Ang House Bill 1010, o ang “Magna Carta of E-Commerce Delivery Personnel,” ay inihain upang bigyang proteksyon at masiguro ang kaligtasan ng mga independent delivery contractors na siyang naging frontliners sa kasagsagan ng pandemya.

“In order to increase efficiency and protect the welfare of delivery riders whose lives put at stake to keep us safe within our homes, this bill seeks to provide more secure measures to these service providers and penalize those who unreasonably and inconveniently cancel their orders upon delivery,” ani Herrera.

Paliwanag ng mambabatas na ang cashless transaction ay hindi lamang pag-iwas sa virus transmission na posibleng nakakapit sa pera kungdi ito ay magbibigy din proteksyon sa mga delivery workers laban sa mga mapanlinlang o manlolokong mga kustomer.

“Customers are more responsible for their purchases when they opt to pay online and in advance, while delivery rider simply transport the items to the customers’ homes without having to bear the costs.”

Tinukoy ng kongresista ang lomolobong bilang ng mga kaso ukol sa kanselasyon ng delivery kahit ang ilang e-commerce courier na nagpauna ng bayad para sa mga items.

“As a result, the delivery rider loses precious time and money, while they are stuck with the customer’s cancelled order,” dagdag pa ni Herrera.

Aniya ang isang karaniwang delivery driver ay kumikita lamang ng buwanang sahod na P15,000 hanggang P20,000 na siyang pantustos sa pamilya.

“Cancellations for cash deliveries create a triple burden for the delivery riders as they waste time, shoulder expenses, and expose themselves to the dangers of being infected,” ayon kay Herrera.

Ang mga lalabag dito ay maaaring makulong ng mula isa hanggang tatlong buwan at multang mula sa P10,000 hanggang sa P50,000.

Nakapaloob sa panukala na “it shall be unlawful for any customer to cancel confirmed orders if the items have already been paid by the delivery rider, is in possession of the delivery driver, or in transit to the customer.”

Ang lalabag sa probisyong ito ay may karampatang multa na hanggang sa P50,000.

Kung ang dahilan ng kanselasyon ay panloloko, prank, para sumikat o para sa vlogging, ang gagawa nito ay may pagkabilanggo na hanggang tatlong taon at multang P100,000 hanggang P150,000 at kabayaran sa damages at may kasamang public apology. Meliza Maluntag