Panukalang puprotekta sa human defenders lusot sa Kamara

Panukalang puprotekta sa human defenders lusot sa Kamara

January 18, 2022 @ 12:33 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sa 200 botong pabor at walang pagtutol, pasado na sa House of Representatives ang House Bill No. 10576 o  ang “Human Rights Defenders Protection Act na nagtatakda ng mekanismo para protektahan ang human rights defenders (HRDs) sa bansa.

 Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman,  principal author ng panukala na sa oras ja maisabatas iyo ay mawawakasan na ang extrajudicial killings at extreme harassments sa HRDs.

“The measure details the rights and freedoms of human rights defenders enshrined in the United Nations Declaration on Human Rights Defenders such as the right to form associations and to peaceful assembly; represent and advocate; privacy; effective remedy and full reparation; and freedom from intimidation, reprisal, defamation, and stigmatization among others”ani Lagman.

Ginagarantiya din sa panukala na ang mga public authorities na hind dapat labangin ang human rights at fundamental freedoms maging sa mga opisina.

“Subordinate employees have the right and duty to refuse any order from their superiors that will cause the commission of acts that contravene their duty to protect, uphold, and promote human rights and fundamental freedoms. Such refusal shall not constitute a ground for any administrative sanction,”dagdag pa ni Lagman.

Sa ilalim ng panukala ay palalakasin din ang pagpapatupad ng command responsibility at pagpapataw ng parusa sa mga abusadong opisyal sa military at civilian agencies.

Palalakasin din ang Witness Protection Program at aatasan ang  Commission on Human Rights na maglaan ng sanctuaries para sa mga  high-risk HRDs lalo na ang mga naghain ng reklamo laban sa mga matataas na government officials. Gail Mendoza