Panukalang puprotekta sa manggagawa sa entertainment industry lusot na sa Kamara

Panukalang puprotekta sa manggagawa sa entertainment industry lusot na sa Kamara

February 7, 2023 @ 7:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 1270 na nagsusulong na mabigyan ng proteksyon ang mga independent contractors sa film, television at radio entertainment industry.

Nakapaloob sa panukala na dapat mayroong employment contract sa pagitan ng employer at independent contractor bago kunin at simulan ang trabaho nito, bukod dito ay itinatakda din ang mga kondisyon para sa compensable hours of work at tiyakin na makakatatanggap ng minimum wage, social security and welfare benefits gaya ng Social Security System, Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund at Philippine Health Insurance Corporation.

Bilang proteksyon sa mga mangagawa sa entertainment industry ay dapat nakasusunud ang kumpaya sa occupational safety and health standards, mayroong promosyon ng mental health at prevention ng sexual harassment.

Bibigyang daan din sa panukala ang pagbuo ng Film, Television, and Radio Entertainment Industry Tripartite Council na syang magbabalangkas ng mga policy decisions na nakakaapekto s sa entertainment industry.

Sakop ng nasabing panukala ang actors, singers, musicians, dancer at iba pa na nasa likod ng industriya.

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang mabilis na paglusot ng panukala sa Kamaraa, aniya, isa itong daan para matiyak na walang mangagawa sa industriya ang masasangkot sa pang abauso, harassment, dangerous working environment at exploitation. Gail Mendoza