Panukalang regulasyon ng bank accounts, e-wallets oks na sa House panel

Panukalang regulasyon ng bank accounts, e-wallets oks na sa House panel

January 13, 2022 @ 7:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Lusot na sa House committee on banks and financial intermediaries ang substitute bill sa panukalang kontrolin ang paggamit ng bank accounts, e-wallets at iba pang financial accounts nitong Huwebes.

Ang panukala na inaprubahan sa isang virtual meeting ay naglalayon na protektahan ang publiko mula sa cybercriminals at criminal syndicates na target ang bank accounts, e-wallets, at iba pang payment service providers.

Nakasaad sa panukala na mayroon umanong dapat gawing hakbang upang protektahan ang publiko na mabiktima ng iba’t ibang cybercrime schemes sa bank accounts at e-wallet.

Sinabi ni panel chairman Representative Junnie Cua na nilalayon din ng panukala na maabot ang mas matinding parusa para sa mga sangkot sa krimen sa banking at financial industry.

“Ang purpose ng bill na ito is really to deter and make prosecution much easier because under the present cybercrime law, hirap na hirap yata ‘yung mga law enforcement agencies lalo na ‘yung victimizing the banking industry to really convict so we have crafted the bill in a such a manner that it will be easier to convict and at the same time make the penalties much higher,” ayon kay Cua.

Ilan sa mga ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng panukalang ito ang pagbubukas o paggamit ng bank o financial account upang makatanggap o magpasa ng pondo na labag sa batas, maging pagbubukas financial account sa ilalim ng pekeng pangalan. RNT/SA