Panukalang SIM card registration oks na sa Senado

Panukalang SIM card registration oks na sa Senado

December 16, 2021 @ 2:24 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Nitong Martes at inaprubahan na ng Senado ang ikatlo at huling pagbasa sa panukalang rehistrasyon ng SIM (subscriber identification module) card upang mapigilan ang electronic communication-aided crimes.

Sa botong 22-0-0, inaprubahan ng mga senador ang Senate Bill 2395 na naglalayon na gawing requirement ang rehistrasyon ng SIM cards upang maiwasan ang paggamit sa SIM card, internet, at iba pang electronic communication sa mga krimen, kabilang ang mga sumusunod:

  • Terorismo;

  • text scams;

  • unsolicited, indecent o obscene messages;

  • bank fraud;

  • Libel;

  • anonymous online defamation;

  • trolling; at

  • hate speech, pagpapakalat ng fake news.

Sa ilalim ng panukala, kailangan ng subscribers na personal na magsumite sa public telecommunication entities (PTEs) ng isang registration form na naglalaman ng kanilang buong pangalan,  kapanganakan at tirahan.

Kailangan ding magpakita ng valid government ID o dokumentong magpapatunay ng kanilang pagkakakilanlan.

Samantala, kailangan namang samahan ng kanilang mga magulang ang mga menor sa pagbili at rehistrasyon ng SIM cards. RNT/SA