Panukalang Statutory Rape sa edad na 16 pababa- aprubado na sa Kamara

Panukalang Statutory Rape sa edad na 16 pababa- aprubado na sa Kamara

December 1, 2020 @ 7:35 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na  gawing statury rape mula edad 16 pababa ang batang mabibiktima ng panghahalay.

Ito ay sa lahat ng kasarian o sexual orientation ng suspek lalo na ng biktima.

Sa botong  207 at  3 tutol ay inaprubahan ng Kamara ang  House Bill (HB) No. 7836 na nag-aamienda na rin sa 23 taon ng Anti-Rape Law.

Sinabi ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, chairperson ng House Committee on Welfare of Children at isa sa may-akda ng panuka ang nagsabing  “this progress means a step closer to the justice we have been fighting for our children victimized by heartless individuals and the gap in present laws.”

Apela ngayon ni Romualdez sa mga senador na ipasa na rin ang katulad na panukala bilang regalo sa kaligtasan ng kabataan.

“ Definitely, no children should be left without sufficient protection especially from rape. Child rape is an ugly and painful reality that we must collectively confront and address immediately and decisively. But it is not enough that we are indignant,” dagdag pa ni Romualdez.

Kung tuwirang  magiging batas, ito ay nangangahulugan na ang adult na nakipagtalik sa menor de edad o edad 16 pababa kahit pumayag pa ang biktima ay kalaboso ang kauuwian.

“By establishing the crime of statutory rape to be any sexual activity with a child, of either sex, under the age of 16 – the law makes certain the punishment of those who commit such crime, without unnecessarily furthering the emotional and physical trauma of the child that may be brought about by a lengthy court proceeding or the need for any further physiological or material evidence.”

Layunin dinng panukala na maturuan at maipabatid sa tahanan maging sa paaralan upang ang mga ganitong krimen ay maiwasan.

“In common law jurisdictions, statutory rape is nonforcible sexual activity in which one of the individuals is below the age of consent or the age required to legally consent to the behavior.”

Sa kasalukuyang batas ay umiiral na ang pakikipagtalik sa batang may edad 12 ay iligal at maituturing na rape samantalang child abuse at child exploitation naman kung may edad 18 pababa.

Subalit naniniwala si  Romualdez na ang kasalukuyang edad na 12 para masabing statutory rape ay hindi tumutugon sa  international average base sa  2015 report ng United Nations International Children’s Fund (UNICEF) East Asia and Pacific Region.

Binibigyang diin sa panukala batas na ang rape ay :

1. Inserting or causing the insertion of a person’s penis into another person’s inner or outer vaginal labia, anal orifice or mouth;

2. Inserting or causing the insertion of a finger, instrument or object, into another person’s inner or outer vaginal labia or anal orifice;

3. Placing or causing the placement of a person’s penis between, or rubbing or causing the rubbing thereof on, the breasts of another person; or

4. Causing a person or persons to perform any of the above-mentioned acts even if the offender does not participate therein, under any of the following circumstances:

(a) By force, threat, intimidation, deception, coercion;
(b) By abuse of authority or moral ascendancy;
(c) By employment of means to deprive him or her of reason or render him or her unconscious;
(d) By other fraudulent machinations; or
(e) When the victim is incapable of giving consent by reason of his or her physical, mental, or psychological disability or condition.

Ang HB 7836 ay pinasama-samang  10 bills panukala nina  Romualdez, House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez,  Representatives Cheryl Deloso-Montalla, Lawrence Fortun, Manny Lopez, Roberto Puno, Precious Hipolito Castelo,  LRay Villafuerte, Jr., Maria Lourdes  Acosta-Alba, Ruth Mariano-Hernandez, Deogracias, Victor Savellano, Ma. Bernardita Ramos, Estrellita Suansing, Jocelyn Sy Limkaichong, Jorge Bustos, Naella Aguinaldo, Aleta Suarez, Arlene Brosas, France Castro, Sarah Jane Elago, Eufemia Cullamat, Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Luisa Lloren Cuaresma, Manuel Zubiri, Jose Antonio Sy-Alvarado, Jose Francisco Benitez, Aloy Lim, at Joy Myra Tambunting. Meliza Maluntag


  •  
  •  
  •  

Loading...