Panukalang taas-sahod sa guro, muling inihain sa Kamara

Panukalang taas-sahod sa guro, muling inihain sa Kamara

July 1, 2022 @ 12:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling inihain ng ACT Teachers Partylist, Gabriela Partylist at Kabataan Partylist sa House of Representatives ang House Bill No 203, ang panukalang humihiling na itaas ang sahod ng mga teaching at non- teaching personnel.

Ayon kina ACT Teachers party-list Rep France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang unang bersyon ng panukala na House Bill No. 5990 ay hindi umusad noong 18th Congress kaya ngayong 19th Congress ay umaasa silang bibigyan ito ng pansin ng Kamara.

Nakapaloob sa panukala na ang minimum salary grade level ng public school teachers na mula Salary Grade (SG) 11 ay gagawing SG 15 habang ang minimum salary ng guro teachers sa public universities at colleges mula SG 12 ay gagawing SG 16 habang iaadjust din ang sweldo ng mga nasa higher positions.

Sinabi ni Castro na lubhang mababa na ang pasahod sa mga guro na hindi na sapat sa gitna na rin ng pagtaas ng pangunahing bilihin at pagpataw ng ibat ibang tax ng pamahalaan.
“Our teachers are only asking that they be given salaries that can provide them and their families decent lives.With the increasing workload of our teachers and the increasing cost of living, it is only just that they also be prioritized by the state.” ani Castro.

Ang basic salary ng non-teaching personnel ay hinihiling na gawing ₱16,000 hanggang P25, 000 depende sa magiging desisyon. Gail Mendoza