Panuntunan sa buwis kaugnay ng vape law inilabas ng BIR

Panuntunan sa buwis kaugnay ng vape law inilabas ng BIR

November 18, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng panuntunan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng implementasyon ng vape law na nagtatakda ng presyo ng naturang produkto kasama pa ang ilang electronic cigarette items.

Nitong Huwebes, Nobyembre 17 ay inilabas ng ahensya ang Revenue Regulations No. 14-2022, na naglalatag ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 1190 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Kaugnay nito, ang floor price sa 0.7 milliliters (ml) pod ng nicotine ay nasa P131.04, samantala ang 1.8 ml at 1.9 ml ng nicotine salts ay nasa P306.88 at P318.08 ang minimum price.

Samantala, nasa P207.2 naman ang floor price ng 15-ml bottle ng conventional freebase nicotine.

Ayon kay BIR East NCR director Edgar Tolentino, ang mga bagong panuntunan ay makatutulong sa ekonomiya at paraan na rin upang masiguro ang kalusugan lalo na ng mga kabataan.

“BIR will have exclusive jurisdiction over taxpayer registration, setting the products’ floor price, drafting and publication of revenue regulations covering vape items,” ani Tolentino.

Hinimok rin niya ang kritiko na bigyan ng pagkakataon ang vape law lalo na isa ito sa mandato ng bagong talagang BIR Commissioner na si Romeo Lumagui Jr. kasabay ng pagtugis sa mga illegal vape traders.

“We need to support the plans of the commissioner—- one thing is to focus on illegal vape sellers because if smuggling persists we will be losing huge revenues from vape products,” aniya.

Sa datos, lumabas na umabot sa P15.3 bilyon ang nakolektang busi sa vape noong 2019. RNT/JGC