Panuntunan sa E-trike rerepasuhin ng DILG

Panuntunan sa E-trike rerepasuhin ng DILG

October 13, 2022 @ 12:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Rerepasuhin ng Department of Interior and Local Government o DILG ang polisiya para sa mga E-trikes.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa Kapihan sa Manila Bay na magpapatawag sila ng pagpupulong sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa usapin ng mga electronic tricycle sa
Metro Manila.

Ayon kay Abalos, ang mga E-trike ay walang sapat na mga panuntunan kung saan napakadelikado nito dahil ang mga ito ay bumibiyahe pa sa mga pangunahing kalsada.

Aminado ang kalihim na napagbigyan ang mga e-trikes na bumiyahe dahil sa kakulangan ng mga masasakyan nitong pandemya.

Pero giit ng kalihim, kanyang rerebisahin ang guidelines hinggil sa E-trikes at maging ang pamasahe sa mga tricycle. Jocelyn Tabangcura-Domenden