Panuntunan sa Undas, inilabas ng Navotas

Panuntunan sa Undas, inilabas ng Navotas

October 20, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng panuntunan sa paggunita ng Undas na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022.

Upang maging maayos at ligtas ang paggunita ng Undas, dapat sundin ang mga inilabas na patakaran na kung saan ang mga bibisita sa sementeyo ay kailangan ng cemetery pass sa pamamagitan ng TEXT JRT 09088868578 at 09152601385 at i-text ang pangalan, address, edad, kung saang sementeryo bibisita at petsa at araw bago bumisita habang tatlong tao lamang ang gagamit ng cemetery pass at dalhin ang vaccination card.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, matutulis na bagay, pagsusugal at maingay na musika at panatiliin ang tamang pag-suot ng face mask at physical distancing nang sa ganoon ay hindi na tumaas at patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Pinaalalahanan naman ni Mayor Tiangco ang mga magpupunta sa sementeryo na huwag nang magsama ng bata para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga ito.

“Gawing tahimik at matiwasay ang paggunita sa araw ng mga patay at igalang ang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng panalangin,” ani Tiangco. R.A Marquez