‘Salamat PRRD’ event dinumog

June 27, 2022 @7:13 AM
Views:
92
MANILA, Philippines – Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan at hindi nagpatinag ang libo-libong mga taga-suporta at fans ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dumalo sa “Salamat PRRD”, isang thanksgiving concert sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Tinatayang 3,500 katao ang dumagsa sa lugar na nagsilbi ring venue para sa miting de avance ni Pangulong Duterte noong 2016 elections.
Sa isang panayam, sinabi ng event director na si Njel De Mesa na ang thanksgiving concert ay hindi lamang idinaos para pasalamatan si Pangulong Duterte sa pagsisilbi sa bansa sa nakalipas na anim na taon kundi para ipakita ang labis na pasasalamat sa mga supporters at fans na nanatiling nakatayo at nakasuporta sa Pangulong sa kabila ng mga kritisismo.
Sa kabilang dako, dumating si Pangulong Duterte sa Quirino Grandstand , ilang minuto bago mag-alas 7 ng gabi.
“Maiksi lang po. Sa sambayanang Pilipino, maraming-maraming salamat sa inyo,” pahayag ng outgoing President.
Dumalo rin ang kanyang asawa na si Honeylet Avanceña gayundin Senator Imee Marcos, Senator Bong Go, at ilang mga miyembro ng gabinete.
Iba’t ibang artista ang nagperform sa concert gaya nina Andrew E. Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Robert Seña, at ang Philippine Philharmonic Orchestra.
Sa Quirino Grandstand din ginanap ang miting de avance ni Duterte noong 2016. Kris Jose
Pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila

June 24, 2022 @2:24 PM
Views:
126
MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna, at MPD Director Brg. Gen Leo M. Francisco ang pag-aalay ng mga bulaklak sa puntod ni Miguel Lopez De Legaspi at Rajah Sulayman sa pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo sa pagkakatag ng Maynila. Crismon Heramis
Dolomite Beach isinara sa publiko para sa paglilinis

June 23, 2022 @5:17 PM
Views:
142
MANILA, Philippines- Bagama’t nadismaya dahil nabasa lamang ang abiso noong nakarating na, nakontento na lang na sumilip at nagpakuha ng larawan sa labas ng bakod ang mga mamamasyal na nais pumasok sa Dolomite Beach sa Bay Walk Manila Roxas Blvd.
Sarado ito sa publiko tuwing Huwebes para sa paglilinis ayon sa pamunuan ng DENR , kasama ang City of Manila LGU at MMDA. Crismon Heramis
EDSA-Kamuning flyover southbound lane, sarado ng 30 araw

June 21, 2022 @7:28 AM
Views:
156
MANILA, Philippines – Isasara ang southbound na bahagi ng EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City sa loob ng 30 araw para sa pagsasaayos simula sa Sabado, Hunyo 25, alas sais ng umaga, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Martes.
“Ito pong buong southbound ng EDSA-Kamuning flyover ay isasara for 30 days. ‘Yan ang hiniling ng DPWH [Department of Public Works and Highways],” ani MMDA chair Atty. Romando Artes.

Kuha ni Danny Querubin

Kuha ni Danny Querubin
Sinabi ni Artes na sinuri ng DPWH ang bahagi ng flyover na may mga bitak at sinabing kailangang ayusin ang 30 metrong kahabaan ng flyover.
“Nang buksan po nila ang mga may crack na portion nitong tulay ay nakita nila na kailangan pong kumpunihin ‘yung 30-meter stretch nitong buong tulay,” aniya.
“Mano-mano po ang pagbaak ng semento dahil hindi po puwedeng gamitin ang heavy equipment dahil baka maapektuhan po ‘yung dalawang lanes pa na nasa tabi,” paliwanag pa ng opisyal.
Ang lahat ng sasakyang patungo sa timog ay kailangang gumamit ng service road sa ibaba ng flyover, abiso pa niya.
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang Mabuhay lanes bilang mga alternatibong ruta, dagdag ni Artes.
Ang mga EDSA carousel buses ay kailangan ding gumamit ng service road, ngunit pagkatapos ng flyover, maaari nilang gamitin muli ang pinakakaliwang lane na nakalaan para sa kanilang paggamit, aniya.
Nasa 140,000 sasakyan ang gumagamit ng EDSA-Kamuning flyover araw-araw, sabi ng MMDA chief.
Nakita ang mga bitak at isang butas sa EDSA-Timog Avenue flyover southbound lane noong nakaraang linggo, na humahantong sa bahagyang pagsasara nito.
Tanging ang mga magaan na sasakyan at ang EDSA carousel buses ang pinapayagang gumamit ng flyover sa southbound direction noong Lunes. RNT
Passport on wheels applicants binisita ni Tiangco

June 16, 2022 @7:33 PM
Views:
189