PAO chief umapela vs diskriminasyon sa mga ‘di bakunadong indibidwal

PAO chief umapela vs diskriminasyon sa mga ‘di bakunadong indibidwal

January 16, 2022 @ 2:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi umano dapat magkaroon ng diskriminasyon ang local government units (LGUs) sa mga hindi pa nababakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta.

Ito ang naging apela ni Acosta kasunod ng pagpasa ng ordinansa ng ilangl local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) na mas naghihigpit sa mga hindi pa bakunado.

Kamakailan din ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbabawal sa mga hindi bakunado sa pagsakay sa public vehicles.

“Ako po si PAO Chief Persida Rueda-Acosta nakiki-usap huwag po natin i-discriminate ang unvaccinated,” pahayag niya sa social media.

“Mga barangay huwag po tayo gumawa ng basta-bastang marahas laban sa mga kababayan natin,” giit niya.

 “Bigyan po natin sila ng karapatan na ingatan din ang kanilang sariling katawan,” dagdag pa ng PAO chief.

Ani Acosta, wala umanong batas ukol sa mandatory vaccination ng lahat ng Pilipino.

“Makakagawa kayo ng paglabag sa karapatang pangtao kapag ang unvaccinated ay ide-discriminate ninyo para lang mapwersa sila magpabakuna,” pahayag ni Acosta. RNT/SA