PAO may 52 bagong abogado

PAO may 52 bagong abogado

December 14, 2021 @ 2:18 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Mayroong karagdagang 52 abogado sa Public Attorney’s Office (PAO) na magbibigay ng libreng legal service at assistance sa mga mahihirap.

Sinabi ni PAO Chief Persida V. Rueda Acosta na nanumpa sa panunungkulan ang mga bagong abogado sa nitong Lunes.

Nanumpa rin ang 15 bagong staff members, 34 reappointed na empleyado at iba pang na-promote, base kay Acosta.

Pinayuhan naman niya ang bagong PAO lawyers “to love our fellow human beings and respect the laws and the Constitution.”

“Kung hindi kayo seryoso na maglilingkod sa bayan ay wag na tayo pumasok sa PAO. Ang isang public attorney ay hindi isang madaling trabaho. Ito ay trabaho na talagang serbisyong totoo,” pagbibigay-diin niya.

“Dito sa PAO tayo po ay frontliner. Kahit panahon ng pandemya ay hindi nawawala ang nahuhuli ng pulis, hindi nawawala ang legal problems sa ating mga kababayan,” patuloy pa ni Acosta.

Inulit din niya sa lahat ng PAO lawyers at personnel “to practice humility, perseverance and patience.” RNT/SA