PAO pumalag sa probisyon vs forensic lab sa 2021 budget

PAO pumalag sa probisyon vs forensic lab sa 2021 budget

December 1, 2020 @ 7:56 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumalag ang Public Attorney’s Office sa isang probisyon sa bersyon ng 2021 budget ng Senado na magpapatigil sa operasyon ng forensic laboratory.

Ayon sa pahayag ng PAO ang probisyon ay gagamitin sa pagpapasweldo ng mga tauhan, travel allowance, at iba pang gastusin sa operasyon ng forensic laboratory division.

Anila, ang probisyon ay inilagay nina Senators Franklin Drilon at Sonny Angara na dapat i-veto ni Pangulong Duterte.

“illegal, despotic, whimsical, vindictive, and unconstitutional,” giit ng PAO.

Punto ni PAO chief Persida Rueda-Acosta na ito marahil ay upang pigilan ang pag-iimbestiga sa Dengvaxia case.

Nasuri na ng PAO ang 150 batang namatay na dahil umano sa pagbakuna ng Dengvaxia.

Nagsampa na rin ng kaso ang mga magulang ng mga biktima sa korte laban sa mga opisyal ng kagawaran ng kalusugan.

Giit pa ni PAO forensic chief Erwin Erfe na ito ay “brazen abuse of power” na makaaapekto sa kanilang serbisyo sa milyong kliyente.

Matatandaang nitong nakaraang taon ay isinusulong ni Drilon ang pag-aalis ng pondo sa PAO at pagbuwag nito dahil ito ay kaparehas lamang ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police.

Isinisisi rin sa kaso ng PAO sa Dengvaxia ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.

Kaagad namang itong pinabulaanan ni Acosta. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...