PAO tinutulan ang panawagang pagrebyu sa Dengvaxia

PAO tinutulan ang panawagang pagrebyu sa Dengvaxia

July 14, 2022 @ 5:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinutulan ng Public Attorney’s Office ang panawagan ng mga health expert nap ag-aralang muli ang paggamit ng Dengvaxia vaccine sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Noong Lunes, matatandaang sinabi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Experts Panel ng Department of Science and Technology, na napapanahon na para sa gobyerno na rebyuhin ang datos at benepisyo ng naturang bakuna.

Pero nanindigan si PAO chief Persida Rueda-Acosta na hindi pa napapatunayang ligtas ang dengue vaccine at ni-revoke na ng regulators ang registration certificates nito.

“Hindi napatunayan na safe ‘yang bakuna na ‘yan, na marami nga pong namatay,” ani Acosta sa isang interbyu.

Ayon kay Acosta, 166 ang namatay na iniuugnay sa Dengvaxia vaccine na gawa ng French drugmaker na Sanofi Pasteur.

Ito aniya ay batay na rin sa autopsy findings of forensic team ng PAO.

Sabi ni Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO forensic laboratory division, maaaring magdulot ng adverse effects ang bakuna kabilang na ang severe dengue.

“Lahat po itong patterns na ito ay nakita namin sa mga namatay na 166 at doon sa 2 na naka-survive,” aniya.

“Kaya very dangerous po itong proposition na sinasabi ni Dr. [Rontgene] Solante at Dr. [Janette] Garin.”

Pero giit ni Salvana, ginagamit ang Dengvaxia vaccine sa maraming bansa gaya ng Amerika at Singapore at tanging ang Pilipinas lamang ang bansang nag-revoke ng sertipikasyon ng bakuna.

Wala aniya siyang nakikitang isyu sa Dengvaxia maliban sa “PR nightmare.”

Nabataid na sumipa ang kaso ng dengue sa 15 rehiyon sa bansa kumpara noong nakaraang taon.

Sa ngayon nasa 64,797 dengue cases na ang naiulat mula January 1 hanggang June 25. RNT/ JCM