Paolo at Yen, iniintrigang nagli-live in!

Paolo at Yen, iniintrigang nagli-live in!

November 19, 2022 @ 2:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Isa si Paolo Contis sa mga pinasalamatan ni Yen Santos in her acceptance speech nang manalo bilang Best Actress sa 45th Gawad Urian.

Yen won for her performance in the film A Faraway Land kung saan katambal niya si Paolo.

Matatandaang dito nagsimula ang balita linking Paolo at Yen, dahilan which led to Paolo and LJ Reyes’ separation.

Binati naman ni Paolo si Yen, saying how proud he is of his rumored girlfriend’s well-deserved achievement.

Pero binigyan ng malisya ang kabuntot ng pagbating ‘yon ni Paolo na “see you in a while.”

Duda ng mga Marites, tila nagli-live in na raw ang dalawa.

Or maaari rin daw na may inihahandang blowout si Paolo for Yen.

Naungkat tuloy uli ang mga putaheng ipinababaon noon ni Yen kay Paolo pag magte-taping.

It will be recalled that Paolo fancied Yen’s prepared food tulad ng adobo at kaldereta.

‘Yun din daw ba ang pagsasaluhan nila?

Nanumbalik din ang classic line ni Paolo na “friend” bilang paglalarawan kay Yen nang samahan siya nitong umakyat ng Baguio days after LJ left for New York with Aki and Summer na anak naman ni Paolo.

To this day, nananatiling tikom ang bibig nina Paolo at Yen ukol sa real score ng kanilang rumored relationship. Ronnie Carrasco III