Paolo at Yen, nakatanggap ng death threat!

Paolo at Yen, nakatanggap ng death threat!

November 23, 2022 @ 7:30 AM 6 days ago


Manila, Philippines – Sana’y mamatay na raw sila ni Yen Santos!

Isa ito sa mga natatanggap na death threat ni Paolo Contis matapos manalong Best Actress ang kanyang rumored girlfriend sa katatapos lang na 45th Gawad Urian.

Nitong November 20 ay ipinagdiwang ni Yen ang kanyang kaarawan kasama si Paolo.

Nagpost pa ng pagbati ang aktor na, “Happy birthday to my Best Actress!”

Yen won for her performance in the film A Faraway Land kung saan si Paolo ang kanyang leading man.

Mas lalo raw umulan ng bashing mula sa mga netizen ang tila lantaran nang relasyon ng dalawa.

Amidst the bashing, sinabi ni Paolo na never siyang nag-react maliban na lang nitong nakakatanggap na siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Para raw makaiwas, in-off muna ni Paolo ang comment section sa kanyang Instagram account.

Pinagtatakhan din daw ni Paolo ang misteryosong taong nakasunod sa kanya nang puntahan niya si Yen sa Shangri-La hotel kung saan sabay silang nag-breakfast.

Doon na kasi dumiretso si Paolo after ng shooting niya nu’ng mismong araw ng Urian awards night.

Ani Paolo, okey lang daw ang pamba-bash sa kanila ni Yen.

All along naman daw kasi ay hindi niya pinatulan ang mga basher.

Pero ibang usapan na raw pag may banta na sa kanilang buhay.

Hindi naman binanggit ni Paolo kung may gagawin siyang kaukulang hakbang laban sa mga nagbabanta sa kanila. Ronnie Carrasco III