Paolo at Yen, nominado sa Urian; pagdalo ng dalawa, inaabangan!

Paolo at Yen, nominado sa Urian; pagdalo ng dalawa, inaabangan!

September 10, 2022 @ 9:04 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Consistent si Paolo Contis sa ‘di pagkakaroon ng reaksyon ‘pag nababanggit si Yen Santos.

Si Yen ang sinasabing dahilan umano ng pagkakasira ng relasyon ni Paolo kay LJ Reyes.

Nagsimula umano ang pagkakamabutihan nina Paolo at Yen nang gawin nila ang pelikulang A Faraway Land.

And what do you know?

Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang dalawa ay pareho pang nominado sina Paolo at Yen sa 45th Gawad Urian para sa Best Actor at Best Actress categories, respectively.

Sina John Lloyd Cruz, John Arcilla, Christian Bables at Dingdong Avanzado ang ilan lang sa makakalaban ni Paolo.

Hindi pa man ay pabiro nang tinanggap ni Paolo na wala raw siyang pag-asang maiuwi ang tropeo.

Sa hanay naman ng Best Actress nominees, pinakamabigat na makakalaban ni Yen ay si Charo Santos.

Ayon sa mga namumuno ng Urian, either October or November gaganapin ang awards night.

Depende raw ito sa availability ng UP Theatre na target venue ng parangal.

Nang tanungin ng PEP kung magkasama ba silang a-attend ni Yen ay hindi na sumagot si Paolo.

Kahit noong kainitan ng isyu sa kanila ay never nagbigay ng pahayag si Paolo, this despite a number of documented sightings sa kanilang dalawa.

Samantala, it’s anybody’s ballgame pagdating sa mga awards night.

Malay natin na parehong wagi sina Paolo at Yen?

We never can tell. Ronnie Carrasco III