Paolo at Yen, spotted sa isang mall!

Paolo at Yen, spotted sa isang mall!

December 6, 2021 @ 7:20 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Mukhang hindi na magpapaawat sina Paolo Contis at Yen Santos sa paglabas-labas nila as a friend, makita man ng publiko.

After the birthday dinner kasi for Yen na pumutok sa social media, namataan na naman ang dalawa na nagde-date sa isang restaurant sa Makati.

Tinanggi man ni Paolo ang mga alegasyon at humingi ng tawad kay Yen sa pagkakadawit nito sa hiwalayan nila ni LJ Reyes, mukhang taliwas naman ang ipinakikita nila sa public.

Paliwanag pa noon ni Contis, ang paglabas nila ni Yen sa Baguio ay “as a friend” lamang pero sigaw ng mga tao, napapadalas ang as a friend date nila, ah?

Ang “as a friend” na ito ba ay nag-level up na since ilang buwan na rin simula nu’ng nag-umpisa sila bilang mag-kaibigan.

Naku, malamang aamin din ‘yan, hindi sila makakatiis. Ngayon pa nga lang nagkakaalaman na, eh. Galit na comments ng netizens na hindi pa rin nawawala ang simpatya kay LJ.

What’s happening na ba talaga? Uulitin ko guys, “time is the ultimate truth teller” sabi nga ni Bea Alonzo. Char, haha. Paula Jonabelle Ignacio