Paolo Ballesteros, bet rumampa sa pageant!

Paolo Ballesteros, bet rumampa sa pageant!

November 27, 2020 @ 5:09 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Phillippines- Marami ang bumilib kay Paolo Ballesteros dahil sa talent nito sa pagdidisenyo ng gown. Katunayan, nag-viral ang rebelasyon ni Bb. Pilipinas candidate Honey Grace Cartasano na kumakatawan sa lalawigan ng Rizal na si Paolo ang may gawa ng gown na kanyang isinuot.

 

Labis-labis ang pasasalamat niya sa “Eat Bulaga” host na siyang nagdisenyo ng kanyang makulay na gown na inspired ng Higantes festival.

 

Ani Honey: “The Higantes Queen is finally out!

 

“I can’t wait for everyone to see and know more about my national costume but let’s leave it as it is for now and wait a little longer for the actual presentation.

“For now I just want to thank the person behind my national costume @pochoy_29 ! 

 

“Thank you so much for the opportunity to wear another masterpiece showcasing one of our province’s BIG and colorful festival.”

Sey ng netizens, pinatunayan daw ni Paolo na hindi lang siya magaling na make-up transformation artist kundi isang talentadong costume designer din. Hindi raw malayo na pasukin na rin nito ang pagiging fashion designer.

 

Hirit naman ng iba, tila itinodo na raw ni Paolo ang kanyang effort na mapaganda ang gown dahil ito man ay may ilusyong rumampa sa mga beauty pageant.

 

Taong 2017 nang mag-out si Paolo at aminin ang kanyang sexual orientation. Archie Liao


  •  
  •  
  •  

Loading...