Paolo, bumati sa anak, inokray!

Paolo, bumati sa anak, inokray!

January 6, 2023 @ 10:39 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sabi nga, “If there’s a will, there’s a way.”

Loosely translated in Tagalog: “Pag gusto, may paraan; pag ayaw, maraming dahilan.”

Tila angkop ito sa kaso ni Paolo Contis involving his daughter Summer with former live-in partner LJ Reyes.

Sa kabila ng pagiging geographically distant ng mag-ama, hindi pinalampas ng 38 anyos na aktor na hindi batiin si Summer sa kanyang 4th birthday nitong January 4.

Idinaan ni Paolo ang kanyang pagbati sa Instagram na naka-synch sa kanyang Facebook account.

He posted: “Happy birthday ganda. I miss you everyday!” na sinamahan niya ng heart emoji.

Matatandaang September 2021 nang magdesisyong lumipad patungong New York si LJ bitbit ang dalawa niyang anak, na si Aki by Paulo Avelino at si Summer.

Mabuti pa si Paulo na nakuhang dalawin at makipag-bonding kay Aki.

In Paolo’s case, no comment lang ang sagot nito when asked kung hindi ba niya idinaan ang birthday greeting kay Summer through LJ.

As much as possible ay nais daw niyang gawing pribado ang pakikipag-ayos kay LJ.

Umiiwas na raw kasi si Paolo na ma-bash.

Hinihinala kasing ang naging mitsa ng paghihiwalay nila ni LJ ay si Yen Santos na “my friend” kung tukuyin ng aktor.

Sa ngayon, bilang pag-iwas sa mga bashers ay nananatiling naka-off ang comment section ng Instagram ni Paolo.

Only his close friends can access it.

Gayunpaman, napupulaan pa rin si Paolo na oo nga’t nami-miss niya si Summer ay anong effort ang ginagawa niya?

Naisip daw ba niyang dalawin si Summer sa New York tulad ng ginawa ni Paulo kay Aki?

Lumalabas kasing puro lip service lang ang pagpapakita ni Paolo that he misses his daughter.

Walang effort, no action taken.

In short, puro kuda…kulang sa gawa! Ronnie Carrasco III