Paolo Contis, papasukin ang pulitika?

Paolo Contis, papasukin ang pulitika?

May 15, 2022 @ 10:33 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Kumpara noong 2019, mas maraming boto ang nakuha ng Ako Bicol party list nitong nakaraang eleksyon.

Sa katunayan, dalawang seats sa Kongreso ang nakuha nito.

Salamat kay Paolo Contis na napiling endorser nito.

Sa mga hindi nakakaalam, taga-Catanduanes ang ina ni Paolo, so that makes him a Bicolano.

Napagtanto nga ng aktor sa kanyang pag-iikot nitong kampanya na mainit ang naging pagtanggap sa kanya.

Ito ay sa kabila ng katotohanang nasangkot siya sa mga ‘di kagandahang isyu noong isang taon.

Ang tinutukoy ni Paolo ay ang paghihiwalay nila ni LJ Reyes, na sinundan pa ng balitang relasyon nila ni Yen Santos.

Hindi raw nakaapekto ‘yon sa kanyang pangangampanya, dahil mas nanaig pa nga raw ang kanyang charm.

Masasabing nakatulong din nang malaki ang kanyang partisipasypon sa natapos nang teleserye ng GMA, ang I Left my Heart in Sorsogon.

Maa napalapit daw kasi siya sa mga Bicolano.

Dahil naipanalo nga niya ang Ako Bicol party list, magsilbing inspirasyon kaya ‘yon para pasukin ng aktor ang pulitika?

Aniya, wala raw ‘yon sa kanyang plano.

Mas tututukan daw niya ang mga proyekto ng inendorsong party list.

Pero paano ‘yan kung isinusulong ni outgoing President Duterte ang pagbuwag sa mga party list sa ilalim ng bagong administrasyon? Ronnie Carrasco III