Paolo, dedma sa nagmana sa kanya si Summer!

Paolo, dedma sa nagmana sa kanya si Summer!

March 21, 2022 @ 7:05 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Walong minuto ang running time ng vlog ni LJ Reyes na Kumusta ka, LJ (My Life with My Kids).

It’s been a while since LJ did her last vlog.

Dito sa latest vlog niya, chronicled ang biyahe nilang mag-iina patungong New York.

Kasama rin ang bonding niya with her kids Aki and Summer Ayanna. Si Sunmer ay anak ni LJ kay Paolo Contis.

Mapapanood ding nagdiwang sila ng Thanksgiving Day.

Pero ang mas agaw-pansin ay ang pagiging komikera ni Summer, obviously, sa ama nagmana.

Tinanong ng PEP kung napanood ni Paolo ang naturang vlog kung saan bida si Summer.

“Hay” lang ang tugon ng aktor who should be proud of his daughter.

Kunsabagay, consistent si Paolo sa ‘di nito pagsasalita tungkol sa kanyang personal na buhay most especially about his kids.

Pero for sure, kung napanood o mapapanood ni Paolo kung gaano kabiba si Summer ay ipagmamalaki niya ito.

Chip off the old block, walang duda! Ronnie Carrasco III