Paolo Duterte, tinawag na pathological liar si Joma Sison

Paolo Duterte, tinawag na pathological liar si Joma Sison

July 6, 2018 @ 1:35 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tinawag na pathological liar ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) founding chairman Jose Maria Sison makaraang paratangan silang mag-ama bilang pinakalamaking “protector” ng iligal na droga sa bansa.

Sa ipinalabas na kalatas ni Paolo Duterte ay sinabi nito na ang mga pahayag ni Joma Sison ay isang kasinungalingan at tsismis na paulit-ulit ipinapakalat mula sa isang anti-Duterte senator at “rabid anti-communist.”

Para rin aniyang isang parrot si Joma Sison na putak ng putak ng kasinungalingan.

Aniya ginagawa lamang ni Joma Sison ang ganitong pagpapakalat ng kasinungalingan para makakuha ng atensyon sa publiko, propaganda at palabasing may silbi pa siya.

Kasabay nito, iginiit ni Pulong na ang kabaliwan umano ni Sison gaya ng madugong Maoist revolution sa bansa ay mabibigo rin.

“But Mr. Sison’s insanity, just like the bloody Maoist revolution in the Philippines, will fail. And Mr. Sison and his organizations — the CPP-NDFP-NPA — will be remembered in history for their contribution in the revolution that victimized the oppressed, the poor, and ultimately, the growth and development of the Philippines. Mr Sison, the father of the oldest terror group in Southeast Asia, is a disgrace to this country,” lahad nito. (Kris Jose)