Paolo, umamin sa real score nila ni Yen, hindi nag-sorry kay LJ!

Paolo, umamin sa real score nila ni Yen, hindi nag-sorry kay LJ!

January 31, 2023 @ 9:34 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Finally, the cat is out of the bag.

Inamin na rin sa wakas ni Paolo Contis ang matagal nang ispekulasyon na sila ni Yen Santos.

After all, ito naman ang inabangan ng mga manonood sa Part 2 ng interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong January 30.

Tahasang sinagot ni Paolo ang tanong ni Boy na sila na nga ni Yen, ang leading lady niya sa pelikulang A Faraway Land which won her a Best Actress award in Urian.

Pero mabilis ding itinanggi ng aktor na si Yen ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni LJ Reyes.

With LJ, nagkapatung-patong daw ang problema ng kanilang pagsasama.

While going through some rough patch ay nagsama pa rin daw sila ni LJ.

Ang guilt lang daw niya, hindi niya isinalang-alang ang mental health ni LJ lalo pa’t napatapat ‘yon sa pandemic.

But Paolo admitted to doing foolish things noong mga panahong ‘yon na hindi na niya binanggit kung ano.

Nilinaw rin ng aktor na noong interbyuhin ni Boy si LJ ay wala na sila nito.

Nasa Amerika na raw si LJ kasama ang anak nilang si Summer noong maging sila ni Yen.

Wala anywhere sa interbyung ‘yon ang paghingi ng sorry kay LJ dahil nga wala na sila nito when his relationship with Yen started. Ronnie Carrasco III