Papa Obet, tambay ng CR!

Papa Obet, tambay ng CR!

November 10, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Ire-release na ng radio jock ng Barangay LS na si Papa Obet ang latest single niya na “Regalo” sa November 11. Very sentimental ang awitin na ito sa kanya dahil ang only daughter niya ay ‘di niya makakasama ngayong Pasko.

Dedicated din niya ang “Regalo,” na mismo siya ang composer, sa mga OFWs natin na ‘di kapiling sa Pasko ang kanilang mga mahal sa buhay. Iba kasi ang piling ng isang tao kapag nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay. Gayundin, ang mga taong sa ‘di malaman na kadahilanan ay nawalay sa kanyang mga mahal.

Sinabi ni Papa Obet na marami siyang pinaghuhugutan na dating experiences sa paggawa ng kanta. Lalo na kapag love songs ang kanyang ginagawang song.

Kaya kapag sumusulat siya ng kanta ay mas gusto niya sa tahimik na lugar.

Minsan nga ay gumawa siya ng demo tape ng song niya mismo CR ng GMA. Itinitigil niya ang pag-compose kapag may dumarating na tao sa CR.

Tungkol sa “Regalo” song niya, wish niya na mabigyan niya ng sariling house and lot amg parents niya, na kanilang matitirahan sa kanilang pagtanda.

Sa personal na regalo sa buhay, gusto pa rin niyang mag-collect ng action figure heroes na ‘di niya nabili nung bata pa siya. Kahit recopy ng original figures ay binibili niya, basta galing sa orginal company.

Gusto rin niyang ma-consider as a classical song writer. Noel Asinas