Papa P, nabiktima ni Bea!

Papa P, nabiktima ni Bea!

April 4, 2022 @ 11:19 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Walang maisip si Bea Alonzo na biktimahin nitong April Fools’ Day kundi si Piolo Pascual.

Nangyari ito sa telepono. Walang ideya ang aktor na prank call ‘yon.

Hindi na nagpaliguy-ligoy si Bea. Diretsahan niyang tinanong si Piolo kung may sama ito ng loob sa kanya when she transferred to GMA.

Bea was quoting an imaginary source na napagsabihan daw ng aktor.

Todo deny naman si Piolo but admitted na nalungkot siya, pero para sumama ang loob ay wala.

Nirerespeto raw niya ang desisyon ni Bea.

All this time ay pinipigilan ni Bea ang kanyang tawa. Mukha raw kasing apektado na ang pina-prank niya.

Nang hindi na makapagpigil, inamin din ni Bea na ginu-good time lang niya ito.

Walang naibulalas si Piiolo kay Bea kundi, “Adik ka!”

Feeling daw ni Bea, Piolo knew he was being made fun of.

Nagkunwari lang daw ang aktor na hindi siya aware na pina- prank siya para hindi siya mapahiya.

Ang ending: kung sino ang nagpa-prank ay siya mismong na-prank! Ronnie Carrasco III