Papa P, nagbigay ng tip sa kalusugan!

Papa P, nagbigay ng tip sa kalusugan!

November 5, 2022 @ 3:16 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Close pala talaga sa tunay na buhay ang aktor na si Piolo Pascual at ang aktres na si Bea Alonzo. Kapag may opporunity ay nagkakasama ang dalawa sa get-together at super sweet sa isa’t-isa.

Tanong tuloy ng mga netizen ay kung bakit hindi niligawan ni Papa P si Bea noon?

Currently, may boyfriend si Bea in the person of Dominic Roque. Single pa rin hanggang ngayon si Papa P.

At 45 years old, recently ay laging naririnig si Papa P talking about maintaining health and how to achieve a positive outlook in life.

“In the midst of the pandemic, I realized how important yung health natin and how to maintain it. Simple lang naman ang maging healthy, eat veggies, bawasan ang red meat, maintain regular exercise and dapat complete ang hours of sleep.

“Of course, wag ding kalimutan uminom ng vitamins especially vitamin C na pantulong sa imuunity,” sabi pa ni Papa P.

Perhaps that’s the main reason kung bakit fit and buff pa rin si Piolo at his age.

Anyway, same with Bea ay nag-renew ng endorsement deal ang dalawa sa Poten-Cee for its second year. JP Ignacio