Papalit kay Joma ‘di pa tukoy

Papalit kay Joma ‘di pa tukoy

January 23, 2023 @ 3:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Wala pang ideya ang Philippine National Police (PNP) kung sino ang susunod na magiging lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na papalit sa pumanaw na si Jose Maria “Joma” Sison.

“As of now wala pang malinaw. Hanggang ngayon ay hindi pa nila malaman who will take over the position na naiwan ni Joma Sison,” ani PNP chief Rodolfo Azurin sa press briefing nitong Lunes, Enero 23.

“Base sa ating impormasyon na nakalap, medyo nagkaroon kasi ng parang breakdown of communication among sa mga members ng CPP-NPA,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng PNP na inaalam nila ang impormasyon ng tatlo hanggang limang personalidad na posibleng umupo bilang susunod na lider na grupo.

“This is an opportunity for the government to take advantage of the ongoing struggle on who will take over the seat of power of the CPP-NPA,” pagbabahagi pa ni Azurin.

Samantala, sinabi ng PNP na walang naitatalang anumang karahasan sangkot ang mga miyembro ng CPP-NPA mula Disyembre 2022 hanggang Enero 2023. RNT/JGC