Papel ng AKG vs organized crime, terror groups pinuri ng PNP

Papel ng AKG vs organized crime, terror groups pinuri ng PNP

February 16, 2023 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang mga pagsisikap at pinalakas na operational capabilities ng Anti-Kidnapping Group (AKG) bilang pangunahing unit ng pwersa na responsable sa mga operasyon at imbestigasyon laban sa kidnapping na ikinasa ng organized crime at terrorist groups sa bansa.

Sa selebrasyon ng 11th founding anniversary ng AKG nitong Miyerkules sa Camp Crame, sinabi ng PNP chief na ang grupo ang nangunguna  sa laban sa kidnapping na angresulta sa pagkakasagip sa maraming biktima at pagkakaaresto ng mga may sala.

“However, it is important to acknowledge that there are still hurdles to overcome. Kidnapping continues to pose a danger in some communities as culprits constantly devise new methods to carry out their crimes,” pahayag ni Azurin.

“Looking forward, let us continue to evolve and adapt to the changing landscape of security challenges by investing in training and technology to enhance the capabilities of our operatives; improving our intelligence gathering and analysis capabilities; and strengthening partnerships with external stakeholders and other law enforcement agencies,” dagdag niya.

Noong 2022, may kabuuang 17 rescue operations ang isinagawa, na nagresulta sa pagbawi sa 59 biktima at pagkakaaresto sa 33 suspek.

Siyam na kidnap for ransom (KFR) suspects ang napatay sa mga operasyon.

Bukod dito, nagresulta ang pinaigting na manhunt operations ng AKG noong 2022 sa pagkakaaresto ng 79 most wanted persons at 121 pang indibidwal.

Nakaambag din ito sa kampanya ng PNP laban sa loose firearms, na nagresulta sa pagsuko ng 73 firearms, pagkakasamsam ng 17 firearms, 596 ammunition, at 3 explosives.

Gayundin, nagpasalamat si Azurin sa lahat ng PNP external stakeholders at partners mula sa iba’t ibang organisasyon at pribadong sektor.

“Your support has been crucial in our quest for a safer and more equitable society. I am deeply grateful for your invaluable contribution and partnership,” anang pinuno ng PNP. RNT/SA