Papel ng Barangay at SK officials sa BADAC, inilahad ng Malakanyang

Papel ng Barangay at SK officials sa BADAC, inilahad ng Malakanyang

July 9, 2018 @ 8:10 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Iinilahad ng Malakanyang sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials ang kanilang pangunahing papel sa paglaban sa illegal drugs na nakasaad sa BADAC o ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils.

Ang mga opisyal sa Barangay at SK ang dapat na unang nakakaamoy sa kanilang mga constituent kung sino ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Binigyang diin ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na kung ayaw ng mga opisyal sa droga ay hindi naman ito lalaganap sa kanilang lugar.

Iginiit din ng opisyal na tuloy- tuloy ang kampanya ng national government laban sa illegal drugs kung saan ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD na kinabibilangan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ang Dangerous Drugs Board o DDB.

Kaugnay nito ay inilunsad din ni Kuya Bong ang Three Pointer ng Bayan na humihikayat sa mga kabataan na maglaro na lang ng basketball para makaiws sa bisyo ng droga.

Ito aniya ang sumisimbolo sa tatlong pangunahing agenda ni Pangulong Duterte na paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon sa gobyerno.

Bago nagtungo si Kuya Bong sa Victorias ay hinarap muna nito ang kanyang libo-libong mga taga-suporta sa Cagayan de Oro city at Dumaguete city kung saan niya nilinaw na masyado pang paaga para pag-usapan ag pulitika.

Iginiit din niyang sa ngayon ay tanging trabaho muna sa gobyerno at kay Pangulong Duterte ang kayang tinututukan.

Nanawagan naman si Go sa mga opisyal ng Negros Occidental na labanan ang illegal drugs sa kanilang nasasakupan. (Kris Jose)