Papel ng Navy sa pagprotekta sa PH territory, ‘di papalitan ng PCG – opisyal

Papel ng Navy sa pagprotekta sa PH territory, ‘di papalitan ng PCG – opisyal

January 30, 2023 @ 9:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi mapapalitan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang critical role ng Philippine Navy (PN) sa pagtiyak ng territorial defense ng bansa.

Sa pagdiriwang ng National Flag Day noong Mayo 28,2021 ay nagdagdag ang PCG ang kanilang presensya sa West Philippine Sea (WPS) para igiit ang teritoryo ng bansa.

Nakahanda rin ang PCG na protektahan ang 36,000-kilometrong baybayin ng bansa, at ang mga mangingisdang Pilipino at mga sasakyang pandagat laban sa lahat ng anyo ng pagbabanta at pananakot sa loob ng teritoryo nito.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea hindi kailanman papalitan ang PN sa kanilang papel sa teritorial defense lalo na sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS sa pagitan ng Pilipinas at China.

“We are not a military institution,” dagdag ni Tarriela.

Pero binigyang-diin ni Tarriela na ang coast guard personnel ay handa na ipagsapalaran ang kanilang sarili sa pagprotekta sa mga Pilipino sa sarili nitong bakuran. Jocelyn Tabangcura-Domenden