Papua New Guinea tambak sa Filipinas, 9-0

Papua New Guinea tambak sa Filipinas, 9-0

December 16, 2022 @ 11:09 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilampaso ng women’s football national team Filipinas ang Papua New Guinea 9-0 sa kanilang friendly rematch sa Western Sydney Wanderers Park sa Australia.

Ayon sa ulat, ito na ang pang-30th international match ng Filipinas at huling laro ngayong taon.

Naulit ng Filipinas ang naging laban nila ng parehas na koponan noong Linggo sa score na 5-1.

Inaasahang maraming magiging  mga accomplishment ngayon taon ang Filipinas na una ay ang pag-qualifiy nila sa FIFA Women’s World Cup, nanguna rin sila sa AFF Women’s Championship at nagwagi sila ng bronze medal sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

Nasa rank 53 ng FIFA ang Filipinas kung saan ang mga friendly games nila sa Australia ay bahagi ng paghahanda nila para sa World Cup sa susunod taon.JC