Paputok, pailaw bawal isakay sa mga barko – PCG

Paputok, pailaw bawal isakay sa mga barko – PCG

December 12, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigpit na paalala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bawal isakay ang anumang uri ng paputok at deadly weapons sa mga sasakyang pandagat ngayong holiday season kung saan marami ang bumibiyaheng mga pasahero.

Sa panayam kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu na kabilang ang mga iligal na droga, at iba pa na mahigpit na babantayan ng kanilang mga tauhan.

“Nandiyan ang operational units natin ng PCG. Merong instruction na effective December naka-full-heightened alert tayo. With the directive of the secretary of the Department of Transportation na dapat seamless ang pagbiyahe ng mga kababayan natin at kaligtasan sa paglalayag,” ayon kay Abu.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero, nauna nang kinansela ang lahat ng uri ng leave ng kanilang mga tauhan para mas mahigpit na mabantayan ang mga daungan at paliparan.

Kaugnay nito, sinabi ng Kumandante na nakipag-ugnayan na ang PCG sa lahat ng mga shop owners para sa mas epektibong pagbibigay ng seguridad at pagbabantay sa mga pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden