Para iwas HIV at AIDS: payo ni Sec. Roque sa publiko, magdala ng condom

Para iwas HIV at AIDS: payo ni Sec. Roque sa publiko, magdala ng condom

July 21, 2018 @ 1:14 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinayuhan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang publiko lalo na iyong may parehong kasarinlan na palaging magbitbit ng condom para makaiwas na makakuha ng sakit na human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).

Naniniwala si Sec. Roque na dapat ay palaging mayroong dalang condom para sa safe sex dahil talaga naman aniyang  wala pang nahahanap na paraan para maiwasan na rin na makakuha ng nasabing sakit.

Sa kabilang dako, nasa Senado na ang kanyang panukalang batas na AIDS Policy Act Bill o Philippine HIV and AIDS Policy Act na hanggang sa ngayon aniya ay nakabinbin pa.

Sa kanyang panukalang batas noong siya ay isa pa lamang kongresista nakapaloob dito ang  pagpapatibay ng malakas na prevention drive.

“Iyan po ay naipasa na po bago po ako umalis ng Kongreso ‘no. So isa po itong panukalang batas na nakabinbin sa Senado. Sang-ayon po dito eh talagang magiging pinagbabawal ng batas na ikalat kung sino iyong mga personalidad or identities noong mga tao na mga may AIDS, para po mawala na iyong kahihiyan sa pagkakaroon ng AIDS,” ang pahayag ni Sec. Roque.

At kung mawawala aniya ang kahihiyan ay mas maraming lalabas para kumuha  ng treatment  para sa AIDS.

Binigyang diin ni Sec. Roque na nakababahala na aniya talaga ang statistics kung saan  1,000  kada buwan ang naitatalang may HIV at IADS.

Sinasabing natalo na ng Pilipinas ngayon ang Africa sa dami ng nagkakaroon ng  sakit  na AIDS. (Kris Jose)