Para maalis ang stress: SAP Go, hinamon ang mga kritiko na mag-basketball

Para maalis ang stress: SAP Go, hinamon ang mga kritiko na mag-basketball

July 16, 2018 @ 11:16 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hinamon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang kanyang mga kritiko na maglaro ng basketball para mawala ang stress sa trabaho.

Kumbinsido siya na kaya patuloy ang pagpuna at pagbatikos ng mga ito sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dahil stress sa kanilang trabaho.

Masarap aniyang maglaro ng competitive basketball dahil totohanan aniya ang takbuhan at ka-edad mo pa ang makakalaban mo.

Bilang tinaguriang Mr. 3 pointer ay sinabi ni Go na ikinakatawan lamang niya ang 3 agenda ng pamahalaan gaya ng kampanya laban sa ilegal na droga, korapsyon at katiwalian.

Iyon ang dahilan kung bakit nagi-ikot siya sa buong Pilipinas para i-promote ang isport na basketball at pukawin ang atensyon ng mga kabataan na maglaro nito.

Mas makabubuti na aniya na magkaroon ng hilig sa nasabing isport dahil bukod sa enerhiyang ibibigay nito ay gaganda pa ang katawan ng isang tao kaysa aniya pumasok sa ilegal na droga.

Samantala, ikinuwento naman ni Go ang kanyang pagkahilig sa Basketball.

Pitong taong gulang pa lamang aniya siya ng mahiligan niya ang nasabing isport.

May pagkakataon pa nga na sumasabit siya sa dyip makapaglaro lang nito at auntog na rin aniya siya naranasan na ein aniya na nauntog siya sa dyip subalit nanatiling hawak niya ang bola ng basketball.

Inalala rin nito na may pagkakataon din na nanonood siya ng PBA na kahit conplimentary ang ticket ay pinapatos nya.

“Sobrang hilig ko sa tournament. Ang sarap ng feeling kapag nakapaglaro ng Basketball,” diing pahayag ni Go. (Kris Jose)