Manila, Philippines – Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ‘joke’ lang ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kung nais ng isang Bise-Alkalde na maging Alkalde ay ipapatay nito ang kanyang Alkalde.
Halata naman aniya sa mga dumalong Bise-Presidente sa 25th Annual National Convention of the Vice Mayors’ League of the Philippines sa The Bellevue Pavilion, Panglao, Bohol na sinakyan ng mga ito ang pagbibiro ng Pangulo dahil sa lakas ng tawanan ng crowd.
“That’s really I think off tangent ‘no. It was clearly a joke that the Vice Mayors appreciated. The President just like any communicator addresses his specific crowd. He was addressing the Vice Mayors’ League and he knew that they would be in enthralled with something… with a joke of this nature,” ayon kay Sec. Roque.
Bukod sa joke na ipapatay ay nag-joke rin ang Pangulo na ipa-kidnap ng Bise-Alkalde ang kanyang Mayor, ipa-barang o ipa-kulam sa Siquijor, Antique at kung playboy naman aniya si Mayor ay palakihin ang ‘b’ nito.
Sinabi pa ni Secretary Roque na hindi ito ang unang pagkakataon na hinahaluan ng biro o nagbibiro si Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte sa nasabing event na “The earlier you do away with your mayor, the earlier you become the mayor also. ‘Di ‘pag ano, ipa-kidnap mo lang. Tapos para walang leak, ikaw na mismo. “Mayor, patayin kita. Walang nagbayad sa akin. Pero ang sabi ni Duterte, kung gusto ko raw na mapa-aga-aga, kasi pagkatapos mo, naghihintay man ‘yung asawa mo. Tapos ‘yung pagkatapos ng asawa mo, magsama ng ibang lalaki, ‘yung anak mo naman ang patakbuhin mo.’ So sabihin mo, “Paano ako nito? Hanggang vice mayor lang ba ako nito?” Or ipa-barang mo. Anong Tagalog sa barang? Ah. Ipa-kulam mo. Marami dito sa — asa? Siquijor, Antique, ‘yang mga ‘yan. Ipa-barang mo. ‘Yung kung playboy ‘yung — playboy ‘yung mayor ninyo, papalakihin mo ‘yung b**** para hindi na makalakad. Alam mo, wala na tayong ginawa dito kung kalokohan”. (Kris Jose)