Manila, Philippines – Isa sa mga araw na ito ay bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isla ng Boracay.
Nais ng Pangulo na personal na makita ang development ng nasabing isla makaraan niyang ipag-utosĀ ang pagpapasara ng anim na buwan dito upang bigyang-daan ang muling pagsasaayos ng isla na isa sa mga premyadong tourist destinations sa bansa.
āI intend to go to Boracay one of these days,ā ani Pangulong Duterte.
Magugunitang, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong isla sa land reform noong Mayo kung saan posibleng maglaan lamang ng kapirasong bahagi ng lupa para sa commercial purposes.
Ayon naman kayĀ Tourism Usec. Benito Bengzon Jr., target ng gobyerno na āi-rebrandā ang Boracay kung saan plano nilang maglunsad ng mga green infrastructure projects sa isla.
Sa datos mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines, nasa 3.7-milyong turista ang bumisita sa isla noong 2017. (Kris Jose)