PARA MAS SIMPLE

PARA MAS SIMPLE

December 15, 2021 @ 4:45 PM 10 months ago


MAXIMUM NUMBER of PASSENGERS sa PUBLIC TRANSPORT ang GAWING POLISIYA, IMBES na PERCENTAGE.

Pinayagan ng Lang Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing seventy percent allowable passenger capacity ang lahat ng public utility vehicle.

Pero sa totoo lang , dahil sa kulang na kulang ang public transport lumalampas pa nga ng one hundred percent capacity dahil nakikita natin na standing ang mga pasahero sa mga bus at may sabit na pasahero sa mga jeeps lalo na kapag rush hour.

Nagbanta naman ang mga awtoridad na huhulihin at pagmumultahin ang mga sasakyan na lalampas ng seventy percent passenger capacity, ayon pa rin sa LTFRB.

Ang tanong gaano ba karami ang seventy percent?

Sa jeep? Sa taxi? Sa UV? Sa bus?

Aba pag mahina ka pa sa math ay baka di mo agad makwenta kung ilan talaga.

At kadalasan ang seventy percent ay may butal na kalahating tao.

Mas madali kung magtalaga na lang ng maximum number of passengers.

Madaling bilangin. Madaling intindihin.

Madaling ipatupad.

Halimbawa sa bus italaga na lang ang maximum number na maisasakay.

Ang mungkahi rin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dagdagan ang public transport sa mga ruta na dagsaan ang pasahero, tulad ng Commonwealth Avenue sa Quezon City na ‘pag rush hour ay talagang mahirap makasakay ang mga pasahero.

Mabuti na lang at walang coding ang public transport at hindi nabababawasan ang masasakyan sa ibang araw dahil sa coding system.

Ganumpaman, mas mainam na madagdagan pa ang mga sasakyang pampubliko lalo na at magpa-Pasko.

Simpleng polisiya para mas madali ipatupad para sa kaligtasan ng lahat.

====================

Atty. Ariel Inton,

President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

 09178174748