PARA NGA BA SA ATIN ANG CANCEL CULTURE?

PARA NGA BA SA ATIN ANG CANCEL CULTURE?

May 24, 2022 @ 2:25 PM 1 month ago


UMABOT na ang cancel culture sa ating modernong kamalayan bilang isang bagong phenomenon. Para sa ilan, ang cancel culture ay nagsi-mula sa Amerika, kung saan naging isyu ang “unfollowing” sa social media sa ilang personalidad na kilala sa buong mundo — mula sa Hollywood sex offenders na sina Harvey Weinstein at Bill Cosby hanggang sa polarizing US president na si Donald Trump.

Sa Cambridge Dictionary, tinutukoy ang cancel culture bilang “isang paraan ng pag-uugali sa isang komunidad o grupo, lalo na sa social media, kung saan pangkaraniwan lang na lubusang talikuran o itigil ang suporta sa isang tao dahil may nasabi o naga-wang nakasakit o hindi puma-bor sa ‘yo.”

Dito sa Pilipinas, gaya ng sa iba pang dako ng mundo kung saan ang mga pagtatalo at ang mga personalidad, paksang pulitikal, at usapin ay nagdudulot ng hindi pagkakasundo-sundo, umiiral ang cancel culture. Lalo pa itong nag-umigting dahil sa eleksyong naghati-hati sa atin.

Sa totoo lang, hindi na bago sa ating mga Pilipino ang cancel culture, bagamat ang terminong millennial na ito ay lalo pang nagpamulat sa atin bilang mamamayan at bilang netizens. Hindi ako historian o sociologist, pero masasabi kong ang Sigaw sa Pugad La-win, kung saan pinagpunit-punit ng mga katipunero ang kanilang mga sedula bilang protesta sa kolonyalismo ng Espanya, ay maituturing na cancel culture. Gayundin ang pagboykot ng oposisyon sa eleksiyon noong 1981, dahil alam nilang ginagamit lang ito ni Ferdinand Marcos para mapanatili ang diktadurya.

Batay sa mga paninindigang ito, mabuti o masama ba ang cancel culture? Sa kabilang banda, masasabing anti-social at sa isang punto ay pagrerebelde na minsang sinabi ni Trump – isang populist at nakababahalang presensiya sa White House noong kanyang termino – na “iyon ang aktuwal na kahulugan ng totalitarianism.” Sa puntong ito, sang-ayon ako at maging ang kanyang mga kritiko.

Totoong mayroong mga naiimpluwensiyahan ng ide-yalismo ang itinuturing ang nauusong pag-uugaling ito bilang pagpapasimula ng positibong pagbabago.

Nagbubunsod ito ng pagbubuklod-buklod para sa  mabuting intensyon at nagbibigay-daan para sa hindi ma-rahas na pakikibaka sa social media o sa purcha-sing habits.

Gayunman, hindi maitatangging sangkot sa cancel culture ang panghuhusga sa moralidad, kawalan ng hustis-ya, at maging ang kalakaran ng pagkukuyog na kahit ano pang mabuting intensiyon ang igiiit, nangangamba akong na-wawalan na tayo ng mismong ating pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Ipinaaalala ng linyang ito sa akin na huwag maging mapagpangaral, pero ang totoo, nakapagpapalungkot at nakapagpapahina ng aking kaluluwa ang cancel culture.

Isa itong mabilis na paraan upang makaiwas sa matalinong talakayan at pag-uusap at hindi nagbibigay ng pagka-kataon para sana magkauna-waan.

Tayo na lang, halimbawa – nagkakasundo ang bawat isa sa atin na kailangan nating magtulong-tulong, anoman ang ating maiaambag, para maka-bangon mula sa pagdurusang dulot ng pandemyang ito ng COVID-19.

Lahat tayo ay nangangarap ng mas mabuting kinabukasan at sa pagitan ng 2020-2021, napagtagumpayan natin ang ating mga personal na suliranin at tinulungan ang ating mga kapitbahay at ang mga estranghero na hindi magawang makapaghain sa mesa ng kanilang makakain.

Kumapit tayo sa pag-asa sa pagdaraos ng ating elek-syon ngayong Mayo 2022. At tulad ng marami sa inyo, dismayado rin ako.

Pero hindi yata tamang pairalin pa natin ang cancel culture ngayong sadsad ang ating ekonomiya… ang mismong ating bansa; at iboykot ang mga restaurants, commercial establishments, mga nasa industriya ng entertainment, mga gurong dati nating inirerespeto at maraming naituro sa atin, mga kaibigan — tunay na mga kaibigan, at mga miyembro ng pamilya.

Ito ba talaga ang panahong dapat nating pairalin ang cancel culture?