PARA SA MGA RALIYISTA SA SONA 2018: 2 days na bakasyon time, handang ideklara ni Pangulong Duterte

PARA SA MGA RALIYISTA SA SONA 2018: 2 days na bakasyon time, handang ideklara ni Pangulong Duterte

July 7, 2018 @ 5:58 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Handa na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdeklara ng dalawang araw na holiday sa kanyang ikatlong  State Of the Nation Address (SONA) para lahat ng may hinanakit sa pamahalaan ay makalabas at makapagprotesta.

Hinikayat ni Pangulong  Duterte ang kanyang mga kritiko na magsama-samang magsagawa ng kilos-protesta sa kanyang SONA sa darating na Hulyo 23.

“And if there are so many wise girls there, women, and itong mga opposition na mag-rally, of course you can go to rallies. Air your grievance. That is a constitutional guarantee. Seek redress, shout on the streets. Gusto ko nga magpista kayong lahat. I will declare the next two days as bakasyon time. So that all the people can go there during the SONA address at mag-demonstrate kayo doon,” ayon sa Pangulo.

Papayagan niya aniya ang mga ito na ilabas ang kanilang hinaing laban sa gobyerno.

Sa kabilang dako, aatasan naman niya ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance at iwasang

Ayaw niya aniyang makitang may mga dalang armas ang mga pulis na magbabantay sa mga militanteng grupo maliban sa baton at mga shield nito.

“And I will tell the military and the police, exercise the maximum tolerance, umatras kayo nang umatras, ‘wag ninyo silang salubungin, paatras kayo nang paatras,” ayon sa Pangulo. (Kris Jose)