Para sa Senado: 6 kandidato, nakapaghain na ng COC

Para sa Senado: 6 kandidato, nakapaghain na ng COC

October 11, 2018 @ 11:31 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Anim na senatorial candidate na ang nakapaghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ngayong umaga sa Comelec sa Intramuros Maynila.

Kabilang dito sina Senator Aquilino Pimentel III at Freddie Aguilar.

Ipinunto ni candidate number 1 Senator Pimentel na marami pa siyang unfinished business.

Aniya, maaga siyang naghain ng COC dahil nais niyang makapagpokus sa kanyang pagpapalabas sa susunod na linggo.

Sinabi naman ni Aguilar na pangalawa sa naghain ng COC na bibigyan pansin niya ang entertainment industry, isusulong ang jury system at ang federalism.

Sina Pimentel at Aguilar ay maagang nagtungo sa tanggapan ng Commission on Election at pagbukas na pagbukas nito alas-8 ng umaga ay agad siya naghain ng certificate of candidacy.

Kabilang din sa naghain ng COC si Dr.Willie Ong na dumating sa Comelec pasado alas-10 ng umaga.

Sa kanyang panig, nais nito na magkaroon ng doktor na kakatawan sa Senado dahil matagal na mula aniya nang mawala si Dr. Juan Flavier.

Naniniwala rin si Ong na kwalipikado ito sa posisyon.

Naghain din ng COC ang isang Christian Abarrientos Castro. Ang isusulong niya ay ang piso para puso, makakaasang tunay na malasakit sa mamamayan at makalalapit ang bawat barangay sa Senado.

Bukod kina Pimentel at Aguilar, naghain din Ng COC sina Victoriano Inte, at Daniel Magtira na isusulong ang Pinoy rock./Jocelyn Tabangcura-Domenden